Inilabas ng toy company na Mattel ang bagong collectible Barbie doll na nagbibigay-pugay sa Canadian singer na si Céline Dion.
Bahagi ng Barbie Signature series ang manyika na hango sa iconic na pag-awit ni Dion ng “My Heart Will Go On” sa 1998 Academy Awards.
Tampok din dito ang replika ng sikat na kuwintas na may kaugnayan sa pelikulang “Titanic.”
