Kinilala ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sampung persons at entities of interest sa imbestigasyon kaugnay ng umano’y pagkakasamsam sa 521 kilo ng shabu sa Laos na sinasabing nakatakdang ipadala sa Pilipinas.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, may mga lead na ang ahensiya at patuloy na bineberipika ang pagkakakilanlan ng iba pang posibleng sangkot. Gayunman, tumanggi si Matibag na pangalanan ang mga indibidwal na iniimbestigahan.
Nauna nang kinilala ng PDEA ang dalawang Pilipinong umano’y sangkot sa transportasyon ng droga, isang mula sa Marawi at isang mula sa Luzon, na siya umanong nagrenta ng eroplano at nagbayad sa pamamagitan ng bank transfer.



