Ibinunyag ni Rodante Orbillo, dating bodyguard ni Zaldy Co, sa Sandiganbayan na nasa 100 maleta na naglalaman ng ₱1 bilyong cash ang umano’y inihatid sa bahay ni dating House Speaker Martin Romualdez mula 2023 hanggang 2024.
Ayon kay Orbillo, mahigit sampung beses siyang naghatid ng mga maleta mula sa mga unit ni Co sa BGC, Taguig at Valle Verde 6 sa Pasig City papunta sa bahay ni Romualdez sa Forbes Park, Makati.
Sinabi rin ni Orbillo na tinanggihan niya ang alok na ₱15 hanggang ₱20 milyon kapalit ng pagbawi sa kaniyang testimonya laban kay Romualdez.
Tumestigo siya kahapon sa pagdinig sa kahilingan ni Romualdez na makapagpiyansa sa kasong plunder nagkakahalagang ₱7.4 bilyon.
📷: Zaldy Co / Video Screengrab


