Aabot sa ₱634,480.50 ang halaga ng 3,042.79 kilo ng karne ng baboy, baka at manok na nakumpiska sa Malolos Public Market, Bulacan, sa operasyon ng NMIS at PNP-CIDG bago mag-alas-tres ng madaling-araw ngayong Biyernes, Oktubre 16.
Kabilang sa mga nasabat ang mishandled meat at chicken galantina. Labingwalong stall owner ang inisyuhan ng confiscation receipt.
Dadalhin sa rendering facility ang mga nakumpiskang karne upang hindi na maibenta o makonsumo.


