Pinaalis ang Chinese fishing vessel na YUETAIYU 63168 at apat nitong maliliit na bangka sa katubigan ng Lawak Island, Kalayaan, Palawan noong Huwebes, Oktubre 15.
Nakita ang apat na bangka na pinaniniwalaang mula sa Chinese vessel at nangingisda sa lugar. Ilang ulit na tinawagan sa radyo ang barko at tatlong beses itong inikot, ngunit hindi ito sumagot.
Kalaunan, umalis ang apat na bangka at ang kanilang pangunahing barko.
📹: PCG


