Isiniwalat ni Rodante Orbillo, dating bodyguard ni Zaldy Co, na plastic container o durabox ang unang ginagamit ng mga tauhan ni Co sa pagdadala ng pera sa iba’t ibang opisyal bago sila gumamit ng mga maleta.
Ayon kay Orbillo, ang pera ay umano’y kickback mula sa mga proyekto ng pamahalaan. Ipinakita rin niya sa Sandiganbayan ang isang durabox na ginamit umano sa pagdadala ng pera.
Isinumite ito bilang ebidensya sa kasong plunder na ₱7.4 bilyon laban kina dating House Speaker Martin Romualdez at Zaldy Co. | via TJay Mendoza

