"IT SOUNDS VERY MUCH TO ME LIKE A THREAT."
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nararapat na pag-usapan nila ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan ang mga naging pahayag nito kaugnay ng tensiyon sa West Philippine Sea. Ayon kay Marcos, tila pagbabanta ang mga pahayag ni Jing Quan at hindi umano nagpapakita ng diplomasya.
Kabilang sa mga kontrobersiyal na pahayag ni Quan ang pagsasabing madaling mananalo ang China kung gagamit ito ng puwersa, ngunit pinipili umano nitong pairalin ang kapayapaan. Nagbabala rin siya na mas malalagay sa alanganin ang Pilipinas kung hindi nito ipagpapatuloy ang direktang komunikasyong militar sa China.
