Sinabi ng Malacañang na nagtitiwala umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa anumang desisyon ng kaniyang anak matapos tanungin kaugnay sa paglipat ni Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) mula sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP), na pinamumunuan ng Pangulo.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, hindi pa niya personal na naitatanong sa Pangulo ang tungkol sa paglipat ng partido ng kongresista. Gayunman, iginiit niyang patuloy na susuportahan ng Pangulo ang mga desisyon ng kaniyang anak dahil nagtitiwala siyang tama ang mga ito.
Iniulat na nanumpa si Rep. Sandro Marcos bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD noong Lunes, Oktubre 12.
Ang partido ay pinagungunahan ng kaniyang tiyuhin at dating House Speaker Rep. Martin Romualdez, na nahaharap sa kasong plunder kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
📷: Bongbong Marcos
