Itinanggi ng ilang senador ang alegasyon ni Vice President Sara Duterte na maaaring gamitin ang 2027 national budget upang impluwensiyahan ang magiging hatol nila sa kaniyang impeachment trial.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, walang batayan ang alegasyon at walang kaugnayan ang budget sa magiging hatol sa paglilitis. Aniya, noong Lunes lamang natanggap ng Senado ang panukalang pondo at nagsisimula pa lamang silang suriin ito.
Samantala, iginiit ni Senador Panfilo Lacson na hindi siya kailanman nagpadala sa tukso ng pork barrel at sa halip ay palagi niya itong tinutulan.
Nauna nang sinabi ni VP Sara na maaaring gamitin ang naturang panukalang pondo bilang panggigipit sa mga senator-judge upang makuha ang kanilang boto at mahatulan siyang guilty sa impeachment trial.


