Kapansin-pansin ang tila higanteng jellyfish sa kaulapan matapos ilunsad ang SpaceX Falcon 9 rocket sa Florida, United States noong Oktubre 13.
Ayon sa NASA, nabuo ang kakaibang formation nang tamaan ng sikat ng araw ang usok na inilabas ng rocket habang madilim pa sa ibaba. Nagmistulang kumikinang na dikya ang hugis nito.
Bahagi ng misyon ang paghahatid ng mga suplay at kagamitang pang-agham sa International Space Station.
📸: NASA/Instagram



