Arestado ang isang 22-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Sitio Maslog Lower, Barangay Balbagon, Mambajao, Camiguin, noong Lunes, Oktubre 12, bandang 2:15 ng hapon.
Nasamsam mula sa suspek ang sampung pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na dalawang gramo at standard market value na ₱13,600. Nakumpiska rin ang mga materyales na gamit sa pag-iimpake, isang cellphone, buy-bust money at isang motorsiklong walang plaka.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
| via Laura Pobadora
📹: PDEA ROX

