Fri, Oct 16Friday, October 16, 2026
NET25 Logo
  • NEWS
  • ENTERTAINMENT
  • OPINION
RADYO AGILAEAGLE FM 95.5
    • News
    • Entertainment
    • Opinion
    • Radyo Agila
    • Eagle FM 95.5
    • Program Schedule
    • About Us
    • Profiles
    • Contact Us
    • Privacy Policy
    • Sales
    • Job Application
  • CONNECT WITH US
NET25 Logo

Your source for news, entertainment, and the best of Philippine broadcasting.

Connect With Us

About

  • About Us
  • Profiles
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Contact

  • Contact Sales
  • Job Application

Partners

    © 2026 NET25. All rights reserved.UTC
    ← OpinionNext column →
    Laila Tumanan

    Laila Tumanan

    Columnist · NET25

    Budol lang

    Matapos bawiin ang tatlo sa apat na Articles of Impeachment laban kay VP Sara Duterte, umusbong ang mga tanong tungkol sa estratehiya ng prosekusyon, karapatan ng depensa, at paggamit ng pondo ng bayan sa paglilitis.

    October 16, 20263 min read

    Lalo pang lumalakas ang hinala ng publiko na trial by publicity lamang ang naging motibo ng prosecution team sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

    Bakit?

    Matapos ang apatnapung araw ng pagdinig, tatlo sa apat na Articles of Impeachment ang bigla nalang kanilang binawi!

    Kabilang dito ang Article I, na may kaugnayan sa umano’y misuse of confidential funds; Article III, tungkol sa bribery; at Article IV, na may kaugnayan sa grave threats.

    Ang natira na lamang ay Article II, na tumatalakay sa umano’y unexplained wealth ng Bise-Presidente.

    Pero teka muna!

    Hindi ba’t ang paggamit ng confidential funds at ang umano’y grave threats ang ilan sa pinaka-maingay na isyung ibinabato laban kay Sara Duterte?

    Pero bakit ang mga ito pa ang binawi?

    Ano ang nagbago?

    Kulang ba ang ebidensiya? Hindi ba napatibay ang mga paratang? O may iba pang dahilan sa biglaang pagbabago ng estratehiya ng prosecution?

    Mga tanong na nararapat sagutin.

    Something fishy, indeed!

    Hindi rin nagpakumbaba ang defense team sa pangunguna ni Atty. Sheila Sison. Igiit nito na hindi makatarungan ang sitwasyon kung hindi sila bibigyan ng parehong pagkakataong sagutin at pabulaanan ang mga paratang na inilatag sa pagdinig.

    “Something really wrong is going on!” Iyan ang matinding pababawagan ni Atty. Sison.

    At maaari nga namang magtanong ang publiko: kung pagkatapos ng sunod-sunod na pagdinig ay biglang babawiin ang tatlong mahahalagang paratang, ano ang naging tunay na layunin ng lahat ng ito?

    Sa loob ng apatnapung araw, nailatag ang mga paratang, nailantad sa publiko ang mga alegasyon, at nalikha ang isang malawak na diskurso tungkol sa kredibilidad ng Bise-Presidente.

    Pero ngayon, tatlo sa apat na Articles of Impeachment ang binawi.

    Kung ganoon, hindi ba nararapat lamang na managot ang prosecution team sa publiko at ipaliwanag kung bakit nila ito ginawa?

    Advertisement

    Sponsored placement

    Hindi sapat ang bastang pagbabago ng estratehiya. Kailangang malinaw kung ano ang batayan ng kanilang desisyon, lalo na’t nakataya ang kredibilidad ng isang prosesong konstitusyonal.

    Dahil kung ang mga paratang ay hindi na itutuloy, dapat linawin kung bakit pa kinailangang dumaan sa mahabang pagdinig ang mga ito.

    At higit sa lahat, huwag kalimutan: pera ng taumbayan ang ginagamit sa impeachment proceedings.

    Kaya ang tanong: magkano ang ginastos para sa apatnapung araw na pagdinig? Gaano kalaki ang nagamit na pondo ng pamahalaan? At may makatuwiran bang paliwanag sa gastusing ito kung tatlo sa apat na paratang ang binawi?

    Hindi dapat gamitin ang isang prosesong konstitusyonal para lamang sa paglikha ng ingay, paghubog ng opinyon, o pagpapabigat ng paratang sa isang tao nang walang sapat na batayan.

    Ang impeachment ay hindi palabas. Hindi ito larong pulitikal. At higit sa lahat, hindi ito dapat maging instrumento ng pagmamanipula sa isipan ng publiko.

    Kung may matibay na ebidensiya, ilatag. Kung may pananagutan, patunayan.

    Pero kung may mga paratang na hindi na kayang panindigan, ipaliwanag kung bakit.

    Dahil ang taumbayan ay hindi dapat gamiting manonood sa isang prosesong ang singil ay galing sa kanilang bulsa.

    Sa huli, hindi lamang ang Bise-Presidente ang nasa ilalim ng pagsusuri. Ang kredibilidad ng prosecution team, ang paggamit ng pera ng bayan, at ang integridad ng buong proseso ang dapat ding busisiin.

    Dahil kung ang dulo ng lahat ng ito ay pagbawi ng tatlong mahahalagang paratang, hindi maiiwasang magtanong ang publiko:

    Trial by publicity ba ito? O isang prosesong hindi napanindigan ang sarili nitong mga paratang?

    Sa ganitong takbo ng pangyayari, isang bagay ang tiyak: may mga tanong na hindi puwedeng takasan.

    At hangga’t walang malinaw at kapani-paniwalang paliwanag, mananatili ang hinala ng publiko.

    Nasaan ang puso ng gobyerno, nag aksaya ng pondo, nambudol ng abogado at nanloko ng publiko?

    Was this worth reading?
    Share

    Reader comments

    Comments are closed for this article.

    No comments yet.

    Laila Tumanan

    Laila Tumanan

    Columnist · NET25

    The views expressed are the author’s own.

    See all columns by Laila →

    Keep reading

    Next columnStrategy o pag-amin ng kahinaan?By Weng Dela FuenteArticle II na lang ang itutuloy sa impeachment laban kay VP Sara Duterte. Makatarungan bang pabilisin ang paglilitis bago niya masagot ang mga alegasyon?→

    More from Laila

    DUDA SA DRAMASep 14→Na-maleta si GutezaAug 23→BBM vs USAJul 23→

    More voices in Opinion

    Sinong dapat bumili ng isang baldeng utak?Nelson M. Lubao·Oct 14→11.5 bilyong shabu, kaninong parcel ito?Nelson M. Lubao·Oct 11→
    ←NET25 Opinion