Itinanggi ng Malacañang na napag-usapan na ang posibleng kapalit ni Vice President Sara Duterte sakaling mahatulan ito. Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, hindi pa dapat pag-usapan ang succession plan dahil wala pang inilalabas na desisyon ang Senate impeachment court.
Samantala, kinumpirma ng Office of the Ombudsman na natanggap nito ang 178-pahinang ulat ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni VP Sara. Sasailalim muna ito sa paunang pagsusuri upang matukoy kung kinakailangan ang karagdagang imbestigasyon.
Itinanggi rin nina Senate President Win Gatchalian at Sen. Ping Lacson ang alegasyong ginagamit ang panukalang 2027 national budget upang impluwensiyahan ang mga senator-judge sa impeachment trial.
Ayon kay Gatchalian, walang batayan ang paratang at nagkakahalaga lamang ng ₱14.56 milyon ang kabuuang gastos sa 44 na araw ng paglilitis.


