Tinutukan ng Commission on Audit (COA) ang halos ₱40 bilyong unrealized losses ng Social Security System (SSS) sa mga stock investment nito.
Ayon sa SSS, ang tinatawag na paper loss ay pagbaba lamang ng market value ng investments na hindi pa naibebenta. Hindi pa ito aktuwal na pagkalugi ng pera at hindi rin nangangahulugang nanganganib ang pension benefits ng mga miyembro.
Gayunman, sinabi ng COA na umabot sa ₱39.994 bilyon ang unrealized losses noong 2025, mula ₱11.6 bilyon noong 2021.


