Nasawi ang isang 65-anyos na senior citizen matapos tumaob ang minamaneho niyang tricycle sa Roman Superhighway sa Barangay Capitangan, Abucay, Bataan, bandang 11:40 ng umaga nitong Huwebes, Oktubre 15.
Â
Kinilala ng Metro Bataan Development Authority (MBDA) ang biktima bilang residente ng Balanga City.
Â
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang tricycle matapos dumaan sa lubak na bahagi ng kalsada at tuluyang tumaob. Tumilapon ang biktima sa kabilang lane at nasagasaan ng kasunod na fuel tanker truck.
Â
Nakuhanan ng dashcam ng tanker ang insidente. Dead on the spot ang biktima, habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari.
Â
| via Larry Biscocho
Â
📸: MBDA



