Walong Chinese nationals at sampung Pilipino ang inaresto sa malawakang operasyon kontra umano’y ilegal na pagmimina sa Barangay Mabini, Surigao City noong Oktubre 14.
Ayon sa Police Regional Office-Caraga, tinatayang ₱153 milyon ang halaga ng mga nakumpiskang heavy equipment, sasakyan, armas at iba pang kagamitan. Kabilang dito ang 16 excavator, walong dump truck at limang payloader.
Narekober din ng mga awtoridad ang isang shotgun na may 12 bala at dalawang improvised air gun.
Nasa kustodiya ng Surigao City Police ang mga naaresto, habang ipinagkatiwala sa Mines and Geosciences Bureau-Caraga ang mga nakumpiskang kagamitan.


