Patay na nang matagpuan ang isang 26-anyos na lalaki matapos maanod sa Pasonanca River sa Zamboanga City dahil sa malakas na ulan at pagbaha noong Linggo, Oktubre 18.
Ayon sa paunang imbestigasyon, namumulot ng panggatong ang biktima nang biglang tumaas ang tubig sa ilog at natangay siya ng malakas na agos. Sinubukan pa siyang sagipin ng ilang residente.
Matapos ang paghahanap, natagpuan ang kaniyang katawan bandang 11:00 ng gabi sa Barangay Tugbungan. | via Ely Dumaboc

