Iniutos ni Pangulong BongbongMarcos ang pagbuo ng national carbon market policy framework upang magkaroon ng dagdag na kita ang mga Pilipinong nangangalaga sa kalikasan.
Sa ilalim ng Executive Order No. 127, inatasan ang DENR na bumuo ng mga patakaran at alituntunin para sa pakikilahok ng Pilipinas sa lokal at pandaigdigang carbon markets. Sa ilalim ng EO No. 127, maaaring kumita ang mga kuwalipikadong proyekto sa pagtatanim at pangangalaga ng mga puno, paggamit ng malinis na enerhiya, at iba pang gawaing nakababawas sa mga gas na nagpapainit sa mundo.

