Kinuwestiyon ng ilang civil society group ang panukalang ₱7.2-trilyong pambansang pondo para sa 2027 na inaprubahan ng Kamara, dahil mas pinapaboran umano nito ang pulitika kaysa kapakanan ng mamamayan.
Pinuna ng People's Budget Coalition ang ₱179 bilyong idinagdag sa pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga proyektong hindi kasama sa orihinal na panukala ng ahensya at ang ₱130 bilyong bawas sa mga foreign-assisted projects (FAP), kabilang ang North-South Commuter Railway at Metro Manila Subway.
Kinwestiyon din ng grupo ang malaking pondo na idinagag sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP).
Samantala, kasalukuyang tinatalakay ng Senado ang panukalang budget para sa 2027.

