Inilipat na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga labi ng sampung nakilalang biktima ng nasunog na barkong M/V June Aster sa El Nido, Palawan, nitong Linggo, Oktubre 18.
Ayon sa PCG, 67 na ang narekober at na-identify ang pagkakakilanlan, habang 26 ang nai-turnover na sa kanilang mga pamilya.
Patuloy ang pagtukoy sa iba pang mga biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

