TIRADOR NG KABLE SA TONDO, ARESTADO!
Nahuli ang isang lalaki matapos umanong magnakaw ng mga kable na nagkakahalaga ng ₱35,000 sa isang dating parcel hub sa Balut, Tondo sa Maynila. Nahuli rin sa CCTV ang kaniyang kasabwat na patuloy na tinutugis.
Ayon sa pulisya, paulit-ulit umanong pinapasok at ninanakawan ang bodega, kung saan tinatayang nasa ₱4 milyon na ang kabuuang halaga ng mga nawawalang gamit. Todo-tanggi naman ang suspek sa paratang, ngunit inamin niyang dati na siyang nasangkot sa pagnanakaw.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa reklamong pagnanakaw, habang nakatakda ring sampahan ng kaparehong reklamo ang kaniyang kasabwat. | via Jim Tejano
📽️: MPD Smokey Mountain PCP

