Inobliga ng Supreme Court (SC) en banc ang Kongreso na ipasa na ang batas na nagbabawal sa political dynasties, alinsunod sa Article II, Section 26 ng 1987 Constitution.
Ayon sa SC, 39 na taon nang hindi naisasabatas ang naturang probisyon at hindi maaaring ipagpaliban ng Kongreso ang tungkulin nitong ipagbawal ang political dynasties.
Gayunman, sinabi ng SC na nasa Kongreso ang pagpapasya kung paano tutukuyin at ipagbabawal ang political dynasties. Samantala, hindi maaaring i-disqualify ng COMELEC ang mga kandidato dahil sa political dynasty dahil wala pang umiiral na batas na nagbabawal dito.
📸: Philippine News Agency

