LIMANG BAHAY NASUNOG SA TAGUIG.
Tinupuok ng apoy ang limang kabahayan sa Dayap Street, Barangay Western Bicutan sa Taguig City.
Bandang 2:00 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog at umabot sa ikalawang alarma. Rumesponde ang 40 firetrucks mula sa BFP at mga fire volunteer, ngunit nahirapan silang makapasok dahil sa masisikip na daan.
Halos dalawang oras bago tuluyang naapula ang sunog. Ilan sa mga pamilyang naapektuhan ay dinala sa evacuation center. Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.
📽️: Christopher Dawit
