Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) na maaaring bumagsak malapit sa Tubbataha Reefs Natural Park sa Palawan ang debris mula sa rocket ng China.
Ayon sa PhilSA, inilunsad ng China ang Long March 12 rocket mula sa Hainan International Commercial Launch Center sa Hainan bandang alas-8:32 ng umaga.
Pinag-iingat ng ahensya ang mga barko, eroplano, at iba pang sasakyang dumaraan sa lugar dahil sa posibleng pagbagsak ng debris.
📸: PhilSA

