DALAWANG PUMP SA REMEDIOS PUMPING STATION SA MAYNILA, OPERATIONAL NA
Gumagana na ang dalawang bagong pump sa Remedios Pumping Station sa Malate, Manila bilang bahagi ng pagpapaunlad ng flood control system sa lungsod.
Layunin nitong pabilisin ang paghigop ng tubig-baha, lalo na sa mga mabababang lugar na madalas bahain tuwing malakas ang ulan.
Nagdagdag din ng backup generator at nagtalaga ng mga tauhan para regular na linisin at mahakot ang mga basura upang maiwasan ang muling pagbabara ng mga pump.
Inaasahang makatutulong ang mga hakbang na ito upang mapabilis ang paghupa ng baha sa Malate, Taft Avenue at mga karatig na lugar. | via Jim Tejano
📸: DPWH

