Nagdeklara ng state of calamity ang Camarines Norte dahil sa matinding krisis sa tubig, pagtaas ng kaso ng dengue, at epekto ng El Niño.
Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), naapektuhan ng water crisis ang mga bayan ng San Vicente, San Lorenzo Ruiz, Daet, at Mercedes.
Habang nasa 29% lamang ng mga palayan sa probinsya ang nataniman ngayong season kaya inaasahan ang mababang produksyon ng pagkain at kita ng mga magsasaka.
Kasama rin sa dahilan ang pagtaas ng kaso ng dengue na umabot na sa 431.
📸: CamNor PIO

