Hindi hihingi ng furlough si Sen. Rodante Marcoleta upang makaboto sa panukalang baguhin ang 16-vote threshold na kailangan para sa conviction ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Sen. Marcoleta, hindi na dapat pagbotohan ang threshold dahil nakasaad na ito sa Konstitusyon. Sa kasalukuyan, 16 na boto ang itinakdang kailangan para sa conviction, batay sa two-thirds ng 24 na miyembro ng Senado. | via TJay Mendoza

