BANGKAY, NATAGPUAN SA LOOB NG REFRIGERATOR SA RIZAL.
Ā
Patay nang matagpuan ang isang 30-anyos na babae sa loob ng refrigerator sa isang apartment sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.
Ā
Ayon sa paunang imbestigasyon, natuklasan ang bangkay bandang 9:00 ng umaga nitong Miyerkules, Setyembre 16 matapos mapansin ang masangsang na amoy na nagmumula sa inuupahang apartment.
Ā

Ā
Hindi pa matukoy ang suspek at inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. Nagsasagawa na rin ng pagkuha at pagsusuri ng mga posibleng CCTV footage habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. | via Jim Tejano
Ā
šø: Rizal PPO
Ā


