BABALA: SENSITIBONG BALITA.
Dead on the spot ang isang 63-anyos na rider matapos magulungan at makaladkad ng trailer truck sa Brgy. Banga 1st, Plaridel, Bulacan noong Lunes ng hapon, Setyembre 14.
Ayon sa pulisya, kumanan ang truck sa intersection at hindi napansin ang motorsiklong nasa kanang bahagi nito.
Nasa kustodiya na ng Plaridel Municipal Police Station ang driver at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property. | via Jim Tejano

