Maaaring sampahan ng kasong election offense at electoral sabotage ang mga nasa likod ng pre-shading ng mga balota sa Maluso, Basilan.
Ayon sa Comelec, nasa 16,653 opisyal na balota mula sa 36 polling precincts ang nakompromiso bago ang halalan. Dahil dito, nagpasya ang komisyon na mag-print ng kapalit na mga balota.
Isinailalim din sa Comelec control ang bayan ng Maluso.
📷 Comelec



