Ipinasa ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magtatakda sa limang taon ng termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK).
Dahil dito, ililipat ang nakatakdang halalan sa Nobyembre 2, 2028 at gaganapin kada limang taon pagkatapos nito.



