“THE COUNTRY NEEDS HIS RESIGNATION.”
Tinuligsa ni Atty. Salvador Paolo A. Panelo Jr., spokesperson ni Vice President Sara Duterte, ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga alegasyon ni VP Sara Duterte.
Sinabi ni Panelo na minamaliit umano ng Pangulo ang seryosong akusasyon ng korapsyon at pang-aabuso sa gobyerno matapos nitong tumugon kay VP Sara ng, “What can I do? You cannot force anyone to love you.”
Giit ni Panelo, hindi umano kailangan ng bansa ang mga pangangatuwiran ng Pangulo, kundi ang kaniyang pagbibitiw sa puwesto.
📹 via Madelyn-Villar Moratillo



