30 LABI MULA MV JUNE ASTER, DINALA SA CORON.
Dumating sa Port of Borac sa Coron, Palawan nitong Sabado ng hapon, Setyembre 12 ang BRP Cape Engaño, lulan ang 30 na labi na narekober mula sa MV June Aster.
Maingat na inilipat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga labi mula sa barko bago ito i-tinurn-over sa Provincial Forensic Unit.
Isasailalim ang mga labi sa forensic examination at proseso ng pagkakakilanlan. | via Jim Tejano
📽️: PCG
