Nilinaw ng Philippine General Hospital (PGH) na hindi naka-confine si dating House Speaker Martin Romualdez sa isang “presidential suite” dahil wala umanong ganitong uri ng kwarto sa ospital.
Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario, pinili ang kwartong ginagamit ni Romualdez dahil madali itong ma-secure, hindi mahirap i-access, at sapat ang laki para sa mga kinakailangang medical tests at security measures.
Itinanggi rin ng PGH na nasa psychiatric ward si Romualdez. Inilipat ang pinsan ng Pangulo sa PGH mula Cardinal Santos Medical Center noong Sabado, Setyembre 12 para sa independent medical assessment na iniutos ng Sandiganbayan.
📸: PNP CIDG NCR

