BABALA: SENSITIBONG BALITA.
Nasawi ang apat na katao habang 15 ang sugatan sa magkahiwalay na insidente ng karahasan sa Cotabato City kagabi, Setyembre 13, bago ang BARMM parliamentary elections.
Unang naiulat ang pamamaril sa Brgy. Bagua 2, kung saan tatlong residente ang nasawi habang 15 ang sugatan matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki na pinaghihinalaang supporter’s ng isang political party. Isa sa mga sugatan ang city councilor na si Marouf Ayunan Pasawiran.
Samantala, isang lalaki ang nasawi matapos tamaan ng pagsabog ng granada sa Amirol Elementary School sa Brgy. Kalanganan Mother.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang mga insidente na sinasabing may kaugnayan sa halalan. | via Ely Dumaboc



