Umatras ang 839 guro bilang miyembro ng electoral board para sa kauna-unahang parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon sa Comelec, nagmula ang mga guro sa Maguindanao, Lanao del Sur, Tawi-Tawi, at Special Geographic Area (SGA). Kabilang sa mga dahilan ng kanilang pag-atras ay hindi nila gusto sa itinalagang voting center at may conflict of interest dahil may mga kamag-anak silang kandidato.
Tiniyak naman ng poll body na hindi maaapektuhan ang halalan dahil may nakahandang mga kapalit, kabilang ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na sinanay bilang electoral board.



