Maaaring abutin ng ilang linggo o buwan bago matukoy ang pagkakakilanlan ng mga sakay ng nasunog na MV June Aster, ayon sa mga awtoridad.
Nagsimula na ang forensic experts sa pagkolekta at paghahambing ng DNA samples mula sa mga labi ng mga biktima na lubhang nasunog.
Ayon sa pulisya, may mga labi na magkakasama at mayroon ding narekober sa iba’t ibang bahagi ng barko. Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy kung saan nagsimula ang sunog at ano ang sanhi nito.
📽️: PCG

