CLINICALLY STABLE SI ROMUALDEZ.
Sinabi ni Philippine General Hospital Director Dr. Gerardo Legaspi na clinically stable na si dating House Speaker Martin Romualdez batay sa independent medical assessment na ginawa nila noong Sabado, Setyembre 12.
Wala na rin umanong dahilan para sa “continued confinement” batay sa pinakahuling assessment nila sa dating House Speaker, pero nangangailangan pa rin daw ito ng monitoring. | via TJay Mendoza



