Sinabi ni Senator Alan Peter Cayetano na nagpunta lamang siya at ang kaniyang pamilya sa Singapore para magpahinga, kasunod ng mga tanong tungkol sa kanilang pagbiyahe sa ibang bansa.
Ayon kay Cayetano, pribado at maikli lamang ang naging panahon ng kanilang biyahe at wala umanong dahilan para hindi sila makapagbakasyon.
Samantala, sinabi ni Cayetano na ang mga tanong tungkol sa kanilang biyahe ay bahagi umano ng “persecution” laban sa kaniya, kaniyang pamilya at sa Taguig, kasunod ng mga imbestigasyon at alegasyon kaugnay ng mga proyekto sa imprastraktura at flood control.
📸: Alan Peter Cayetano/Facebook


