FIRE TRUCK, NASAGI ANG NAKAPARADANG SASAKYAN SA MAKATI.
Dahil sa double parking, nasagi ng isang fire truck ang nakaparadang itim na sedan habang rumeresponde sa sunog sa Macabulos St., Barangay Bangkal, Makati City nitong Sabado, Setyembre 12.
Ayon sa fire responder, humingi ng kompensasyon ang may-ari ng sasakyan para sa pinsala, ngunit ipinaliwanag ng BFP na rumeresponde sila sa isang emergency at double-parked umano ang sasakyan.
Naglabas naman ang LTO ng show-cause order laban sa driver at registered owner ng sedan. Inatasan din siyang isuko ang lisensya at isinailalim ito sa 90-day preventive suspension.
Ayon kay LTO Chief at Assistant Secretary Markus Lacanilao, mahalaga ang bawat segundo sa pagresponde ng mga fire officer at hindi dapat maantala ang kanilang operasyon dahil sa paglabag o kapabayaan sa kalsada.
📽️: Bro Jonathan Dela Cruz



