Sinira ang ilang sasakyang nakaparada sa labas ng Sero Elementary School sa Cotabato City ngayong Lunes, Setyembre 14, kasabay ng BARMM Parliamentary Election.
Batay sa paunang impormasyon, grupo ng mga kalalakihan umano ang nasa likod ng insidente na nagdulot ng pangamba sa mga botante.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at nagsasagawa ng imbestigasyon. Nasa ilalim ng COMELEC control ang Cotabato City dahil sa mga naitalang insidente ng karahasan bago at habang isinasagawa ang halalan. | via Vic Somintac
📽️: Odessa Cruz


