PAIHI OPS SA BATANGAS, NABUNYAG.
Arestado ang isang truck driver nang masangkot sa isang paihi operation sa Brgy. San Juan, Mabini, Batangas.

Ayon sa mga awtoridad, walang maipakita na delivery receipt, manifest, permit, at DOE authority para sa kargang petrolyo ang driver.

Nasamsam sa kaniya ang ₱399,350 halaga ng diesel, isang truck, at iba pang kagamitan. | via Martin Banaag

📸: Batangas PIO

