Hinahanap pa rin ang kapitan ng MV June Aster, limang araw matapos ang trahedya na ikinasawi ng 76 katao.
Ito ay matapos sabihin ng operator ng Atienza Interisland Ferries Inc. na kumpiyansa silang nakaligtas ang kapitan sa sunog.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa sanhi ng sunog at nangongolekta ng mga specimen at iba pang ebidensya mula sa barko.
📸: PCG
