In-extend ng COMELEC hanggang 9:00 ng gabi ang oras ng pagboto sa Al-Barka, Basilan matapos maantala ang halalan dahil hinarang umano ang mga guro sa pagdadala ng election paraphernalia sa kanilang mga itinalagang polling center.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, nakapagsimula lamang ang botohan sa lugar bandang 10:30 ng umaga matapos mamagitan ang poll body at security forces.
Dalawang oras ang idinagdag sa voting hours upang mabigyan ng pagkakataong makaboto ang mga botante sa Al-Barka.
📷 DXMS Radio Cotabato



