Kumpleto na ang inisyal na pagsusuri ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mahahalagang bahagi ng M/V June Aster. Kabilang dito ang bridge, crew accommodation, economy passenger area, at air-conditioned passenger area ng barko.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, magkakaroon pa ng ikalawang pagsusuri upang makuha ang natitirang ebidensya para sa imbestigasyon.
Samantala, nasa 65% na ng cargo hold ang napasok at nasuri ng mga awtoridad habang nagpapatuloy ang paghigop ng tubig at langis mula sa engine room.
📷 PCG
📹 via Jim Tejano



