Nasamsam ng mga awtoridad ang anim na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱40.8 milyon sa Taytay, Rizal. Nakupiska rin nila ang ilang matataas na kalibreng baril.
Sa operasyon, tatlong tao ang naaresto habang isa pang suspek ang nakatakas.
Narekober sa mga suspek ang isang M1 carbine, M16 rifle, apat na .45 calibre pistol, mga magasin, digital weighing scale, at iba pang ebidensya. | via Jim Tejano



