Kinumpirma ng kampo ni Vice President Sara Duterte na natanggap na nila ang kautusan ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 98 na tumanggi sa kanilang mosyon para mag-inhibit si Presiding Judge Maria Angelica De Ramos sa tatlong bilang ng grave threats laban sa bise presidente.
Ayon kay Atty. Paul Lim, gagamitin ni Duterte ang lahat ng available na legal remedies at hindi muna tatalakayin sa publiko ang mga merito ng kaso bilang pagsunod sa kautusan ng korte.
📹 via Madelyn Moratillo



