Kinumpirma ng kampo ni Vice President Sara Duterte na natanggap na nila ang order ng QC RTC Branch 98 na tumanggi sa kanilang mosyon na mag-inhibit si Presiding Judge Maria Angelica De Ramos sa kaso.
Ayon kay Atty. Paul Lim, gagamitin ng Bise Presidente ang lahat ng available na legal remedies at patuloy silang susunod sa sub judice rule na nagbabawal sa publiko na talakayin ang merito ng kaso.
Sinabi rin ni Lim na mananatili silang sumusunod sa kautusan bilang pagpapakita ng paggalang sa rule of law.
📹 via Madelyn Moratillo



