Umabot sa 16 insidente ng karahasan na may kaugnayan sa halalan ang naitala ng Police Regional Office sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM) noong Lunes, Setyembre 14. Kasabay ito ng isinagawang kauna-unahang parliamentary elections sa rehiyon.
Ayon sa PRO-BARMM, apat ang kumpirmadong nasawi habang 19 iba pa ang sugatan sa mga insidente ng pamamaril, pananambang, at pagsabog.



