Pumalo sa 8,317 kaso ng leptospirosis ang naitala sa buong bansa mula Enero 4 hanggang Setyembre 5, ayon sa Department of Health (DOH).
Mas mataas ito ng 14% sa naitala noong nakaraang taon sa parehong panahon.
Sa ulat, may 457 nang nasawi habang patuloy na mino-monitor ang mga aktibong kaso matapos ang malawakang pagbaha nitong mga nakaraang linggo dulot ng habagat.



